Sarap ng Food
July 8, 2006Ngayon ang victory party ng Master’s Inc. sa pagkakapanalo nila sa Make Your Point Competition ng mga teams dito sa work. Kakatouch nga eh kasi kahit dun sa bahay ni Master Lowell ginanap yung party eh nagdala parin sila ng food sa work para i-share. Katuwa nga eh kasi pinag-aux meeting pa kami ni master para lang kumain. Masarap sa lahat eh yung dala ni Nicole na bake macaroni. Papaturo nga ako sa kanya kung pano lutuin yon para ipaghahanda ko rin si honey pagdating nya. Sino sya? Kilala nyo na yun.
Anyway, masaya ako kasi nasa bahay sila papa ngayon. Tumingin kasi kami kanina ng malilipatan pero ang mahal ng singil. Imagine, gusto nila php2,500 para sa isang 8×8 na room and wala pa yung sariling wash room. Mas maganda pa nga yung inuupahan namin na Php1,500 kasi malaki na yung room may sarili pa syang CR. Problem nga lang eh ang laki ng babayaran kong pamasahe tapos nakakainis pa yung kasama ko sa bahay. Napakagastador. Just imagine, I gave her php700 and she haven’t paid yet our utility bills. Pati pangkain eh wala naman syang nabili. Naiinis na nga ako sa kanya eh!!! Sana naman maisip nya na mahirap kumita ng pera. Buti nga sya eh maglalaba, plantsa, luto and linis lang ng bahay lang ang ginagawa nya. Pagkadating pa ng sweldo nya eh wala na sya dapat pang gastusin kasi pati personal nyang gamit eh ako na ang bumibili….haaayy…basta!!!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


